EX BATTALION

Kilalanin ang Ex Battalion na nagpasikat ng kantang "Hayaan Mo Sila."
 



Ex Battalion

Binubuo ng 13 miyembro ang sikat na grupong Ex Battalion na mayroong 11 rappers at dalawang viners o 'yung mga gumagawa ng viral videos.
 

Bosx1ne

Si Marky Maglasang o Bosx1ne ang founder ng Ex Battalion.

 

Rap groups

Produkto ng pinagsama-samang underground rap groups mula Muntinlupa City ang Ex Battalion.
 
 
 

Sanib puwersa

Taong 2012 nang magsanib puwersa ang rap groups na ito na noo'y sumasali lamang sa contests sa barangay.


First album

Taong 2016 nang ilabas ng Ex Battalion ang kanilang kauna-unahang album na "X" sa digital platforms.
 

Aiai Delas Alas

Nagkaroon ng collaboration ang Ex Battalion kasama ang Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas. Ang kanilang kantang "Walang Pinipili" ay distributed ng GMA Records.

 

Spotlight Music Sessions

Live na nag-perform si Aiai kasama ang Ex Battalion ng kanilang kantang "Walang Pinipili" sa 'Spotlight Music Sessions.'

 

Hayaan Mo Sila

Bago matapos ang 2017, sumikat sa YouTube ang kanta ng Ex Battalion na "Hayaan Mo Sila" at naging number one trending pa nga ito.

 

YouTube

Ngunit pagpasok ng 2018, hinarap ng Ex Battalion ang isang isyu tungkol sa 'di umano'y paggamit nila ng isang international beat sa kantang "Hayaan Mo Sila." Nagdulot ito ng pagkabura ng kanilang sikat na kanta sa video sharing site.

 

Paglilinaw

Agad naman nilinaw ng Ex Battalion ang pangyayari at pinabulaanan ang ibinibintang sa kanila. Ayon sa kanilang interview sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' binayaran daw nila ang rights ng beat sa halagang $2,000. Ngunit dahil lumagpas sa pinag-usapang 250,000 views ang kanilang music video ng "Hayaan Mo Sila," sinisingil sila ng producer ng beat ng dagdag na bayad.

 

Pagsikat

Kahit nagkaroon sila ng problema, tuloy na tuloy pa rin ang lalong pagsikat ng Ex Battalion at ng kanilang kantang "Hayaan Mo Sila."


 

Wowowin

Sa katunayan nga ay inimbitahan pa ni Willie Revillame ang Ex Battalion sa 'Wowowin.' Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 14 million views ang kanilang performance sa Kapuso show.

 

Fans

Patuloy pa ring dumarami ang ExB fans kahit hindi pa naibabalik sa YouTube ang "Hayaan Mo Sila."




















Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

The Adventure Kid